BAGUIO CITY - Dalawang pinaghihinalaang high-value drug personality ang magkasunod na natimbog sa anti-illegal drug operation ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI) sa magkahiwalay na lugar sa lungsod at La Trinidad sa Benguet, kamakailan.

Sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Maria Ligaya Itliong-Rivera, ng Branch 61, Regional Trial Court, Baguio City, sinalakay ng mga operatiba ang bahay ng high value drug personality na si Fernand Leo Vergara Quitlong, 40 , saBarangay Victoria Village, Baguio City.

Narekober sa suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng₱20,400.00; isang glass vial na naglalaman ng 5ml liquid meth na aabot sa₱31,314.00 at drug paraphernalias.

Hindi naman nakapalag sa buy-bust operation ng pulisya siEddie Chowogna Afuyog, 39, laborer at taga-Longlong, Puguis, La Trinidad, Benguet, nitong Oktubre 25 kung saan nasamsaman ito ng₱34,000 hakagang iligal na droga.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Zaldy Comanda