Nanawagan si Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) President Orlando Marquez sa national government na sa halip na hayaan ang mga transport operators na mamahagi ng fuel subsidies, direktang ihatid na lang ito sa mga tsuper ng public utility vehicles (PUV).

Sa isang panayam sa Laging Handa briefing, para kay LTOP President Orlando Marquez, kung papayagan ng pambansang pamahalaan ang mga transport operator na ipamahagi ang fuel subsidies sa kanilang mga tsuper, maaaring hindi ganap na matupad ang layunin nito.

“Our recommendation is to give the fuel subsidy to the drivers. It should not be given through the cards of the transport operators because the fuel subsidy may not be used to the public utility vehicles but to the private vehicles of the transport operators,”sabi ni Marquez sa isang panayam.

Ito ang reaksyon ni Marquez sa tanong sa paraan ng pamamahagi ng P1 bilyong subsidy sa mga PUV driver na ipinagkaloob ng pambansang pamahalaan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ngunit aniya, wala pa ring malinaw na sistemang napag-usapan nang makipagpulong siya at ang iba pang mga transport group sa mga opisyal ng transport at energy department.

Sinabi ni Marquez na ang pamamahagi ay direktang ibibigay sa mga bonafide na PUV driver na maaaring itatag sa pamamagitan ng certification na ibibihgay ng mga operator.

Nitong buwan ng Oktubre, hiniling ng Department of Transportation (DOT) sa Department of Energy (DOE) na bigyan ng fuel subsidy ang mga driver ng pampublikong sasakyan sa gitna ng pagsirit ng presyo ng langis nitong mga nakaraang linggo.

Ikinatuwa ng kagawaran ang anunsyo ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa release ng P1 bilyong fuel subsidies sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Aaron Recuenco