Nakahinga ng maluwag si Pangulong Duterte nitong Lunes ng gabi, Oktubre 25, kasunod ng patuloy na pagbaba ng bilang ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa bansa.

"We thank God," ani Duterte sa kanyang pre-recorded public address.

Binanggit ng punong ehekutibo ang three-day tally ng bagong COVID-19 cases ng Department of Health (DOH) na bumaba sa 5,000-level sa huling datos noong Oktubre 23.

Nitong Lunes, nakapagtala ang Pilipinas ng 4,405 na bagong kaso, na may positivity rate na siyam na porsyento, mas mababa sa 10.3 na porsyento na naitala nitong weekend.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"So, okay na siguro ang takbo natin sa awa ng Diyos. Palagi tayo (ki)naaawa(n) ng Diyos kasi kawawa tayo pagka iniwan tayo ng Diyos," sinabi ng presidente.

"We thank God for the decline at ‘pag magpatuloy tayo na sumunod lang sa gobyerno. Huwag mong tignan ang ano ganoon, sumunod ka lang, sumunod ka lang," dagdag pa niya.

Ibinaba ang Metro Manila sa Alert Level 3 maging ang Cavite, Laguna, Rizal, Siquijor, Davao City, at Davao del Norte kasunod ng pagbaba ng COVID-19 cases. 

Samantala nasa Alert Level 2 naman ang Batangas, Quezon, Lucena City, Bohol, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu, Davao de Oro, Davao del Sur at Davao Oriental.

Raymond Antonio