Inamin ng aktres na si Ryza Cenon na may matindi siyang pinagdaraanan, na kahit malapit nang mag-isang taon ang anak niyang si Night, ay patuloy pa rin niyang nararamdaman at nararanasan.

Ayon sa naging panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP kay Ryza nitong Oktubre 25, hanggang ngayon ay nakakaranas pa rin siya ng 'postpartum depression' o matinding kalungkutang nararamdaman ng isang ina, matapos manganak.

Pilit niya umano itong nilalabanan sa pamamagitan ng pagsulyap sa kaniyang anak na si Night, paghinga nang malalim, at sasabihin sa kaniyang sarili na 'Kaya ko ito, magiging okay na ako.' Mas lalo niyang nararamdaman ang depresyong ito kapag mag-isa lamang siya, at siya ang gumagawa nang lahat sa bahay.

Mahirap man, marami umano siyang natututuhan dito, at tunay na maipagmamalaki sa lahat kapag nalampasan ang pagsubok na ito. Saludo umano siya sa lahat ng mga nanay na nalagpasan ang estado na ito ng kanilang buhay.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Noong Oktubre 9, isang Instagram post ang ginawa ni Ryza para sa mga kagaya niyang momshies, bilang promotion sa isang produktong pang-nanay ng isang kompanya. Ipinaalala niya ang kahalagahan ng self-care.

"Hi Mommies! This time, I’d like to talk about the importance of taking care of yourselves. Especially now, whether you’re a working or stay at home mom, sobrang dali talaga na makalimutan natin na alagaan ang sarili natin. It’s easy to get lost in all of the things that we need to do to meet all the needs of our little one."

Kahit na abala at nakatuon ang atensyon sa pag-aalaga ng mga junakis, huwag pa rin umanong kalilimutan ang pangangalaga sa sarili at paggawa ng mga bagay na ikasasaya.

Ryza Cenon (Larawan mula sa IG)

"During the first couple of months after I gave birth, lahat ng energy ko binuhos ko sa pag-aalaga kay Night. Hanggang umabot sa point na lagi na lang ako pagod both mentally and physically. It wasn't till I started to take a little bit of time each day to take care of myself that I started to feel better and actually became a better mother. A little bit of me-time can go a long way."