Pinayuhan ng  Philippine National Police (PNP) nitong Martes, Oktubre 26 ang mga courier service firms na maging higit na maingat sa pagtanggap ng mga delivery riders matapos maaresto ang isang rider sa Caloocan City lulan ang nasa P3.4 milyong halagang shabu.

Sinabi ni PNP chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar na dapat suriing maiigi ng mga courier service firm ang kanilang aplikante dahil mauuwi sa masamang reputasyon ang kanilang kompanya sa oras na maging sangkot ang kanilang kompanya sa pamahahagi ng illegal na droga sa bansa.

“We are reminding the delivery and courier service companies to scrutinuze the applicants in their companies in order to ensure that rheir comapnies will not be exploited in illegal activities,”sabi ni Eleazar.

Sa ulat na natanggap ni Eleazar, isang suspek, Arturo Dela Cruz Jr., 38, delivery rider mula Navotas City ang naaresto sa inilunsad na operasyon nitong Linggo, Oktibre 23 sa harap ng isang fast food chain sa kahabaan ng Loreto St., Barangay 84 sa Caloocan City.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa 500 grams na shabu na nagkakahalaga ng P34 milyon at ang P1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Inatasan ni Eleazar ang lokal na pulisya na maglunsad ng follow-up investigation upang matukoy ang lawak ng operasyon ni Dela Cruz at ang kanyang potensyal na pagkakabilang sa isang sindikato.

Nasa kustodiya ng PDEA III ang suspek habang inihahanda ang reklamong paglaba sa  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Aaron Recuenco