Klasipikado na ngayon bilang low-risk sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR).

(DR. GUIDO DAVID / TWITTER)

Ito ay batay sa latest monitoring report na inilabas ng OCTA Research Group nitong Martes, o isang araw matapos na ianunsiyo ng Department of Health (DOH) na ang Pilipinas ay low-risk na sa COVID-19.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ayon sa datos ng OCTA, na ibinahagi ni Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, nabatid na ang positivity rate sa NCR ay bumaba pa sa 6% habang ang average daily attack rate ay nasa 6.36 na lamang o less than 7 per 100,000 individuals.

Ang seven-day average naman sa rehiyon ay bumaba rin sa 901 na lamang mula sa 1,405 noong nakaraang linggo.

Samantala, ang healthcare utilization rate ay bumaba na rin sa 35% habang ang intensive care unit occupancy rate ay naitala sa 46%.

Ayon pa sa OCTA, tanging ang Mandaluyong, San Juan, at Valenzuela na lamang ang nananatiling nasa moderate risk sa COVID-19 sa rehiyon dahil sa ADAR ng mga ito na mas mataas sa 10.

Ang Valenzuela umano ang nakapagtala ng pinakamataas na ADAR na nasa 11.15, habang ang San Juan ay mayroong 10.57, at ang Mandaluyong ay mayroong 10.50.

Ang natitira pang ibang local government units ay pawang nasa low-risk na rin.

Ang Muntinlupa naman ang nakapagtala ng pinakamataas na ICU occupancy rate sa 75%, kaya’t nasa high risk pa ito, sinundan naman ng Makati City na nasa 61% ang ICU occupancy rate at ikinukonsiderang moderate risk.

“Classified as low risk are: NCR, Navotas, Malabon, Caloocan, Pateros, Muntinlupa, Las Piñas, Manila, Quezon City, Taguig, Marikina, Makati, Pasay, Parañaque, Pasig. Positivity rate in NCR down to just 6%,” tweet pa ni David. 

Mary Ann Santiago