Nagpahayag ng supporta si Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi sa presidential bid ni Vice Presidente Leni Robredo at sa kanyang running mate na si Senador Francis "Kiko" Pangilinan.
“I believe she is the best candidate our country needs today together with Kiko Pangilinan. And the best leader to lead our country,” ani Fresnedi.
Si Fresned, na nasa ikatlo at huling termino bilang mayor, ay tatakbo bilang congressman sa lone district ng Muntinlupa para sa May 9, 2022 elections.
Ang kanyang running mate sa ilalim ng One Muntinlupa party ay si Incumbent Rep. Ruffy Biazpn, na tatakbo bilang mayor ng Muntinlupa. Tatakbo rin si Incumbent Vice Mayor Atermio Simundac sa ilalm ng One Muntinlupa.
Mayroon 48 na kandidato ang naghain ng certificates of candidacy (COC) para sa local positions sa Muntinlupa, ayon sa Commission on Elections (Comelec)-Muntinlupa.
Kabilang sa senatorial candidates ng Robredo-Pangilinan tandem sina Sen. Leila de Lima, former Sen. Antonio Trillanes, Sen. Risa Hontiveros, Chel Diokno, former Baguio Rep. Teddy Baguilat, Alex Lacson, Chiz Escudero, former vice president Jejomar Binay, Sen. Richard Gordon, Sen. Migz Zubiri, Sen. Joel Villanueva at Sonny Matula.
“Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan ng 2022," ani Robredo noong Oktubre 7 nang inihayag nya ang kanyang kandidatura.Jonathan Hicap