Pinangunahan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang pag-iinspeksyon sa mga sementeryo sa Metro Manila nitong Martes, Oktubre 26, dalawang araw bago ang pagsasara ng nga ito sa paggunita ng Undas.

PHOTO: ALI VICOY/MB

Binisita ni Abalos ang Manila North Cemetery sa Manila at ang Garden of Life Park sa Mandaluyong upang tignan kung nasusunod ang Inter-agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) guidelines ukol sa pagsasara ng mga sementeryo, memorial parks, at columbaria upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“All of the cemeteries in the National Capital Region are well-prepared and the influx of people has spread out as they visit their departed loved ones this early,” pahayag ni Abalos sa gitna ng inspeksyon.

Naglagay na rin ang mga awtoridad ng Police Assistance Desks at nagdepliy ng roving teams sa loob at labas ng mga sementeryo upang tiyakin na 30 porsiyentong kapasidad lamang ang ipatutupad.

Sinabi din ni Abalos na nagpakalat na rin ang MMDA ng dagdag na tauhan sa koordinasyon ng local government units at ng pulisya para umalalay sa mga sementeryo at magmando ng daloy ng trapiko sa bisinidad nito.

Nagpasalamat ang Chairman sa mga alkalde ng Metro Manila sa kanilang mga inisyatibo na tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga nasasakupang sementeryo alinsunod sa mga pamantayan ng IATF.

“We encourage the public to schedule their visits to their departed loved ones before the closure to avoid crowding and ensure the health and safety of everyone,” ani Abalos.

“While it is important to abide by the guidelines set by the IATF and to observe minimum health protocols, it is likewise significant to practice self-discipline to ensure that we will have an Undas that is safe from the COVID-19 virus,” dagdag nito

Ang MMDA sa pamamagitan ng MMDA Resolution No. 21-22 series of 2021, ay nag-aatas sa LGUs na gumawa ng mga ordinansa at mag-adopt ng mga resolusyon ukol sa pagsasara ng mga sementeryo, memorial parks, at columbaria sa publiko simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.

Bella Gamotea