ILOILO CITY -- Hinihiling sa Commission on Elections na i-disqualify ang kandidatura ni Antonio Agapito Legarda Jr., kapatid ni incumbent Antique Congresswoman Loren Legarda.
Isang petisyon ang inihain laban kay Antonio Jr. na naglalayong ideklara siya bilang nuisance candidate at ikansela ang kanyang certificate of candidacy (COC).
Tatakbo bilang kongresista si Antonio Jr. sa Lone District ng Antique at nagnanais na palitan si Loren, na senatorial candidate sa May 2022 elections.
Iginiit ng complainant na si Salvador Ungsod ng bayan ng Belison na gumagawa ng pangungutya sa proseso ng halalan si Antonio Jr. sa paggamit nito ng alyas na "Inday Loren" para sa kanyang opisyal na kandidatura sa kabila ng pagiging kilala bilang "AA".
“The use of ‘Inday Loren’ as his nickname or stage name is obviously intended to deceive and confuse the voters to make it appear that his sister is running for reelection,” ani Ungsod nang isinumite ang petisyon sa Comelec.
Sinabi rin ni Ungsod na kilala si Antonio Jr. sa Antique bilang walang "local experience."
Isa sa mga congressional candidates si Antonio Jr. Ang dalawa ay sina dating congressman Paolo Javier at Atty .Ade Fajardo, na dating presidente ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).
Tara Yap