Hinamon ni Manila Mayor Isko Moreno ang Inter-Agency Task Force (IATF) against COVID-19 na sampahan ng kaso ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa pagbubukas ng dolomite beach sa lungsod, na dinudumog ng maraming tao, sa gitnanangpatuloy na banta ng COVID-19.

Ayon kay Moreno, ang pagdagsa ng maraming tao sa naturang dolomite beach ay maaaring maging ‘super spreader’ ng COVID-19.

Sinabi pa niya na hindi sila inimpormahan ng DENR ng buksan ang dolomite beach.

“File charges in violation [of health protocols] sa mga kapwa nila nasa national government,” hamon pa ni Moreno sa IATF, sa panayam sa telebisyon.“If they cannot implement it within their offices, then there is no point implementing it sa mga taongbayan.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Sila ang nagpapatupad, sila din ang lumalabag,” ayon pa sa alkalde, na ang tinutukoy ay yaong presensiya maging ng mga batang 12-anyos pababa sa lugar.

Una nang sinabi ng Manila Police District (MPD), na sa kanilang pagtaya, aabot sa 65,000 katao ang dumagsa sa dolomite beach nitong Linggo lamang kahit nasa Alert Level 3 pa lamang ang National Capital Region (NCR).

Matapos naman ang insidente, ipinagbawal na ng DENR ang pagtungo doon ng mga batang 12-anyos pababa.

Ipinag-utos rin nila ang pagsasara ng dolomite beach sa panahon ng Undas o mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3.

“I hope this is not just a lip service... that they would file cases against violators,” anang alkalde.

Sinabi rin ni Moreno na nirerespeto nila ang awtoridad ng DENR na i-develop ang lugar, ngunit dapat aniyang obserbahan ng mga ito ang due diligence.

Mary Ann Santiago