Niyanig ng 4.8-magnitude na lindol ang Davao Oriental nitong Martes ng tanghali, Oktubre 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naganap ang lindol dakong 1:51 ng tanghali at may lalim na 32 na kilometro.

Na-trace ang epicenter sa layong 16 na kilometro sa hilagang silangan ng Caraga, Davao Oriental.

Walang available na intensity observation, batay sa inisyal na impormasyon ng Phivolcs.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

SInabi ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Samantala, wala namang inaasahan na pinsala o aftershocks.

Ellalyn De Vera-Ruiz