Umabot na sa 1,647,671 ang bakunang naiturok ng pamahalaang lungsod ng Caloocan sa kanilang mga residente para sa COVID-19 vaccine.

Sa ulat ng City Health Department (CHD) kay Mayor Oscar Malapitan nasa 907,207 na ang naturukan para safirst dosehabang sa second dose naman ay nakapagtala na ng 740,464 mula A1 hanggang A5.

Nanawagan ang alkalde sa mga hindi pa nagpapabakuna na magpabakuna na para makaiwas sa nakamamatay na sakit.

Kaugnay nito, inihayag ni Mayor Malapitan sa mga residente ng kalapit lungsod na maaari silang magpaturok ng COVID-19 vaccine kahit hindi sila naninirahan sa Caloocan City sa may edad 18 pataas.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Patuloy din ang pagbabakuna ng lokal na pamahalaan lokal sa mga edad 17 hanggang 12 saan ang ginagamit na venue ay ang Caloocan City Medical Center North at South.

Orly L. Barcala.