Hinikayat ni Senator. Nancy Binay ang mga awtoridad nitong Martes, Oktubre 26, sa pansamantalang pagsasara ng dolomite Beach sa Manila Bay upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang posibleng “super spreader” event.

Sinabi ni Binay na dapat umano’y temporaryong nakasara ang lugar hanggang makapaglatag ng rules and regulations para sa mga bibisita ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“Mas maganda siguro kung pansamantala munang isara ang dolomite beach habang wala pang regulasyon at sistema ang DENR sa area,” sabi ni Binay sa isang pahayag.

Nilimitahan ng pulisya nitong Lunes ang bilang at haba ng pananatili ng mga namamasyal sa beach matapos dumugin ang lugar nitong Linggo at maging dahilan ng panukalang isara muna ito.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Pinunto ng senador na ang mga frontliners sa bansa na lahat ginagawa upang makontrol ang pagkalat pa ng bagong COVID-19 variant tapos “there are also those who organize events or offer unnecessary attractions, yet failed to manage the crowds resulting in rapid community transmissions.”

“From the point of view of health and wellness, what we also need to acknowledge here is the public’s desire to spend time in open spaces,” sabi ni Binay.

“Siguro, yung nakikita nating pagdagsa ng tao sa (Manila Bay area and parks can be a good step forward for the national and local governments to rethink how green and open spaces will work best in the new normal context,” dagdag ng mambabatas.

Sinabi rin ni Binay na ang isang pinag-isipang urban planning kalakip ang health protocols ay mahalagang bahagi ng pagbuo ng maayos na paligid sa loob at labas ng lungsod na may gampanin mula sa isang public helath perspective.

Hannah Torregoza