Nasa kabuuang 8,800 persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19), sabi ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong Martes, Oktubre 26.

Sa datos ng BuCor, nasa mahigit 28,000 PDLs ang nananatili ngayon sa NBP habang aabot naman sa higit 48,500 PDLs ang nasa pitong pasilidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ibinahagi ni BuCor Directorate for Health Welfare Services (DHS) Deputy Director TSSupt. Maria Cecilia B. Villanueva sa Facebook ang bilang ng mga bakunadong PDLs sa NBP.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

NBP (File Photo/Manila Bulletin)

Sabi ni Villanueva, nakatanggap ang BuCor ng nasa 10,000 vials para sa unang dose ng mga PLDs.

“Sa susunod, meron pa ulit na 10,000 para sa second dose,” sabi niya.

Ibinalita rin ni Villanueva na walang aktibong kaso ng COVID-19 sa kabuuang populasyon ng mga inmate sa mga pasilidad ng BuCor.

“Sa katunayan sa ngayong araw wala tayong postive na COVID na PDL,” sabi ni Villanueva.

Maliban sa NBP, sinabi ng BuCor nitong Oktubre 18 na nasa 3,100 na ang bakunado sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City, 214 sa San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa Zamboanga City, at 60 mula Davao Prison and Penal Farm (DPPF).

Nasa 588 BuCor personnel na rin ang bakunado laban sa nakamamatay na virus.

Nitong Lunes, siniguro ni BuCor Director General Geraldo Q. Bantagna palalakasin pa nito ang hakbang nila upang mabakunahan laban sa COVID-19 ang lahat ng PDLs at mga personnel sa pitong pasilidad ng ahensya.

Jeffrey Damicog