BAUKO, Mt. Province – Labing-limang drug personalities ang boluntaryong sumuko sa pulisya at pormal na nanumpang hindi na gagamit ng ilegal na droga sa Bauko, Mountain Province .
Sinabi ng Bauko Municipal Police Station (MPS), na ang mga drug surrenderees ay mga bagong identified drug users sa bayan.
Sa temang “Sagip Kapatid, Kasangga sa Pagbabago Program” isang simpleng programa ang isinagawa noong Oktubre 22 sa Liga Building ng LGU Bauko na dinaluhan ng ng mga kinatawan ng Department of Interior and Local Government (DIL, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at mga kamag-anakan ng mga sumuko.
Pangunahin sa programa ay ang panunumpa at nangako na hindi na gagamit ng droga at nagpahayag ng kanilang suporta sa pamahalaan na tutulong sa mga programa kontra illegal drugs at handang magbagong-buhay.
Ang pagsuko ng mga nakilalang drug personalities ay bunga ng patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa droga sa tulong ng mga ahensya ng gobyerno.
Inihahanda naman ngayon ng Municipal Social Welfare at Development (MWSD) and the Local Government Unit of Bauko para sa Community Based Drug Rehabilitation Program para sa mga sumuko.
Zaldy Comanda