Dalawa sa mga pinaka-inaabangang housemates sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Celebrity Edition ay sina Daisy 'Madam Inutz' Lopez at ang komedyanteng si Brenda Mage.

Si Brenda Mage ay mas nakilala bilang contestant sa 'Miss Q&A' ng It's Showtime. Pagkatapos nito ay ginampanan niya mismo ang sariling talambuhay sa 'Maalala Mo Kaya' at napabilang sa cast ng teleseryeng 'Ang Sa Iyo Ay Akin' na pinagbidahan nina Jodi Sta. Maria, Sam Milby, at Iza Calzado.

Si Madam Inutz naman ay nakilala bilang online seller na kinatuwaan ng publiko dahil sa nakatutuwang paraan ng kaniyang pagtitinda, at sa viral video niya na umabot ng halos 5.5K ang viewers niyang puro 'tambay' at wala man lamang miners, para may pang-'chicha' siya sa birthday ng kaniyang bedridden na nanay.

Simula nang mapasailalim si Madam Inutz sa pamamahala ng kaniyang talent manager na si Wilbert Tolentino, nagkaroon ng sariling YT channel si Madam Inutz kung saan nakapag-produce pa sila ng kaniyang sariling music video at kanta.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Sa kumakalat na video ng isang eksena sa PBB sa TikTok, makikitang pinag-uusapan nina Madam Inutz, Brenda Mage, at isa pang housemate na si Eian Rances ang tungkol sa paggawa ng vlogs.

Screengrab mula sa TikTok

Hinihimok nila si Eian na gumawa na rin ng sariling YT channel. Ayon kay Brenda, mga nasa ₱730K na ang kinikita niya sa vlogs, habang si Madam Inutz naman, kahit kasisimula pa lamang ng kaniyang YT channel, ay nasa ₱1M na. Pareho nilang hindi pa ginagalaw ang kanilang kita.

Bukod sa YT, kumikita rin umano si Brenda ng minimum na ₱500K sa kaniyang Facebook page. Kaya sabi niya, mas gusto niyang nasa labas siya kaysa sa lock-in taping, dahil mas malaki nga naman ang kitaan ng pera, hawak pa niya ang sariling oras, at siya rin ang mag-iisip ng kaniyang content.

Screengrab mula sa YT/Daisy Lopez/Madam Inutz

Screengrab mula sa YT/Brenda Mage

Si Madam Inutz ay may 925K subscribers na sa kaniyang YT channel habang si Brenda naman ay may 712K subscribers.

Binigyang-diin naman nila na nagbabayd sila ng buwis batay sa kita ng kanilang YT channel.