Nakapagtala ng nasa 380 bagong kaso ng COVID-19 Delta variant ang Department of Health (DOH) nitong Lunes, Oktubre 25.

Sa isang media forum, ibinahagi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pinakahuling genome sequencing na nag-detect sa nasa 104 cases ng Alpha variant at 166 Beta variant.

“Majority (50.94%) of the sequenced samples are Delta variant cases,”sabi nito.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Department of Health

Iniulat din ng DOH ang unang kaso ng B.1.1.318 variant sa Pilipinas.

“We were able to detect a case here, 34 year old male. His sample is retroactive taken on March 10, 2021 from PRC (Philippine Red Cross) laboratory,” sabi ng opisyal.

He has travel history in the UAE and arrived here on March 5. The date of recovery March 21. Local address is Bacolod City, Negros Occidental,”dagdag niya.

Ayon sa opisyal, nagsasagawa na sila ng retrospective sampling para ma-trace ang pagsisimula ng Dekta variant sa bansa kabilang na ang mga naunang kaso.

Pinunto naman ni Vergeire na under monitoring ang B.1.1.318 variant batay sa classification ng World Health Organization.

“It's a variant under monitoring. Everything is being studied. There is no cause to panic. We just need to be vigilant and follow the minimum public health standards,” sabi ni Vergeire.

Leslie Ann Aquino