Iniulat ng OCTA Research Group na bahagyang umakyat ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) reproduction number sa National Capital Region (NCR), gayunman, tuloy pa rin sa pagbaba angnaitatalang COVID-19 cases sa rehiyon.
Sa kanyang Twitter account nitong Lunes, iniulat ni OCTA Fellow Dr. Guido David na umakyat sa 0.48 ang reproduction number sa NCR.
Ito ay bahagyang pagtaas aniya kumpara sa 0.45 lamang na reproduction number na naitala noong Sabado.
Ang reproduction number ay bilang ng mga tao na maaaring ihawa ng isang pasyente ng COVID-19 at kung mas mababa ito sa 1 ay nangangahulugan ito na bumabagal ang hawaan ng virus.
Sa kabila naman nang bahagyang pagtaas ng reproduction number, nilinaw ni David na hindi pa naman tumataas ang mga naitatalang kaso sa NCR.
Sa halip ay bumaba pa nga aniya ang seven-day average nito sa 945 na lamang mula sa dating 996 noong Oktubre 22.“Are cases rising in the NCR? The short answer is no, at least not yet,” tweet pa ni David. “While new cases over the past few days were higher than 1,000, the trends are still in line with weekly patterns.”
“The reproduction number in the NCR is 0.48 while the 7-day average continued to decrease to 945. In other words, there is no indication yet of an upward trend,” dagdag pa ng eksperto.
Kaugnay nito, hinikayat naman ni David ang publiko na manatiling sumunidsa ipinaiiral na minimum public health standards ng pamahalaan upang maiwasan ang muling pagdami ng COVID-19 cases sa bansa.
Mary Ann Santiago