Posible umanong bigyan ng bonus si Carlos Yulo matapos magtagumpay sa kampanya nito sa katatapos na FIG Artistic Gymnastics World Championship sa Kitakyushu sa Japan kamakailan.

Gayunman, agad na nilinaw ngPhilippine Sports Commission (PSC), ang nasabing hakbang ay discretionary lamang dahil ang nasabing kompetisyon ay hindi bahagi ng global tournaments kung saan ipinatutupad angNational Athletes and Coaches Benefits and Privileges Incentives Act.

“Walangamountpa kasidiscretionarysa batas ngPSC Board. We will wait for the reports of GAP but based on reports by our staff it’s a yearly event. Chairman Butch (Ramirez) will just wait for the report of Ms. Cynthia Carrion-Norton,” paglilinaw ni PSC executive director Guillermo nitong Lunes, Oktubre 25.

Sa batas, binibigyan lamang ng rewards ang mga Pinoy athletes na mananalo sa international events na hindi taunang ginaganap katulad ng biennial naSoutheast Asian Games at quadrennial Olympics, hindi kabilang sa listahan ang FIG Worlds.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Gayunman, binali ng PSC ang naturang batas noong 2019 nang mahablotni Yulo ang gold medal sa Stuttgart kung saan binigyan ito ng P1 milyon.

Ipinaliwanag pa ng PSC na hinihintay pa nila ang report mula kay Cynthia Carrion-Norton, ang presidente ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) bago sila magdesisyon sa usapin.