Mukhang hindi na lamang si presidential candidate at senador na si Manny Pacquiao ang kabardagulan ng Frontliners party-list nominee na si Jayke Joson kundi maging si Annabelle Rama, ang ina ng mga showbiz siblings na sina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez, at misis ni Eddie Gutierrez.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/18/%E2%82%B1100m-ng-paradigm-sports-itinakbo-nga-ba-ni-pacquiao-dating-special-assistant-nagsalita-na/

Kaugnay kasi ito ng umano ay mapanira at malisyosong akusasyon sa kaniya, na idinaan ng actress-talent manager sa pamamagitan ng sunod-sunod na tweets mula Oktubre 20 hanggang Oktubre 22.

Nag-ugat ang usapin nang magbitiw ng pahayag si Joson na tinalikuran daw ng senador ang kasunduan sa kontrata, matapos matanggap ang paunang bayad para sa boxing match na hindi natuloy. Ito ay ang laban sana ni PacMan kay Irish mixed martial artist Conor McGregor.

KILALANIN: Sino si Denise Julia na inireklamo ni BJ Pascual?

Ayon kasi sa tweets ni Annabelle, pinapalabas umano nito na kumupit sila ng pera ni Arnold Vegafria ng ₱140 milyon sa Pambansang Kamao. Puro kasinungalingan at paninirang-puri lamang umano ito sa kanila.

“She should be ashamed of herself for telling those lies. Look who’s talking? In the first place, I don’t have any past negative issues or estafa cases just like Annabelle. All those were absolute lies to malign my personality," pahayag ni Joson sa inilabas niyang official statement.

Hindi umano kaagad ibinibigay ni Pacquiao ang kanilang 20% komisyon kahit na nabayaran na ito.

“That is why Rama doesn’t know what she’s talking about.”

“That was hard earned money. In fact, the senator owes Arnold Vegafria a lot of money from these commissions until now. So, Ms. Rama and other liars will be held liable."

Itinaggi rin ni Joson na si PacMan ang nagbayad ng kaniyang mga utang.

“That was my commission from the Senator. I was only paid a year later. This was only after I encountered problems with the amortization of my house and other dues."

"Now, she is telling everyone that was Pacquiao trying to help me? This is a lie. I worked for that money, which I didn’t receive immediately."

“I am challenging her, as well as (Pacquiao’s lawyer and spokesperson) Nikki de Vega, to back up all their accusations, otherwise, I will sue them in court,” saad ni Joson.

Nagbanta pa ang tinaguriang 'Pambansang Anino' na magdedemanda laban kay Annabelle ng cyber libel case sa National Bureau of Investigation (NBI) kapag hindi nito napatunayan ang mga mapanirang akusasyon.

Tinawag na Pambansang Anino si Joson dahil lagi itong nakikita sa mga nagdaang laban ni PacMan.