Nagsagawa ng motorcade ang mga taga suporta ni presidential aspirant at Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso nitong Linggo, Oktubre 24, para sa ika-47 na kaarawan ng alkalde.
Nasa 1,000 motorcycle riders at 100 na sasakyan ang sumali sa "Blue Wave" Caravan upang maipakita ang kanilang suporta sa presidential bid ng Manila mayor.
Habang ang kanyang running mate na si Dr. Willie Ong ay nagdiriwang din ng kanyang kaarawan ngayong araw, siya ay 58-anyos.
Nagsimula ang Blue Wave caravan sa Moriones, Tondo at nagtungo sa Smokey Mountain, at dumaan sa Manila City Hall papuntang Quiapo Church bago pumunta sa Quezon Boulevard.
Ang ilang sa mga taga suporta ay nagtali ng asul na lobo sa kanilang mga sasakyan, habang ang iba naman ay may poster ng Isko-Willie.
Umikot ang motorcade sa Quezon Memorial Circle patungong Commonwealth Avenue sa may Litex Market, bago tumungo sa Caloocan City. at pabalik sa Maynila sa Plaza Moriones.
Jaleen Ramos