Hindi pa pala tapos ang sorpresa ni Richard Gutierrez para sa birthday ng kaniyang misis na si Sarah Lahbati.

Sa Instagram post ni Sarah, 'speechless' ito sa sorpresang regalo ng mister na aktor sa kaniya para sa kaniyang kaarawan---bagong sasakyan lang naman. Bukod doon, may kasama pa itong bulaklak at letter.

"I’m-," saad ni Sarah, upang ipakita ang kaniyang pagiging speechless.

Tsika at Intriga

Pagbulaga ni Alden Richards sa 'It's Showtime,' pinagtaasan ng kilay

Sarah Lahbati (Larawan mula sa IG)

Sarah Lahbati (Larawan mula sa IG)

May be an image of car
Sarah Lahbati (Larawan mula sa IG)

Aniya, hindi umano siya ang tipo ng tao at asawa na mahilig humingi ng materyal na bagay, subalit nagpapasalamat pa rin siya kay Richard sa pagiging mabuti nitong ama sa kanilang dalawang anak at sa pagtrato at pagpaparamdam sa kaniya na parang reyna.

"Not one to ask for material things (doesn’t mean I don’t enjoy them), I enjoy working hard for what I want. @richardgutz, I'm speechless."

"Besides being the best dada to Zion & Kai, you make me feel like a queen even when I least expect it. I’m grateful to you for a lot of things, for this insane surprise… but mostly for your unconditional love, through ups and downs. I love you."

Sabi ng mga Maritess, 'Sana all!'