Hiniling ni Vice President Leni Robredo nitong Sabado, Oktubre 24 ang national government at ang nter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na bigyan pa ng dagdag na panahon ang mga local government units habang nag-a-adjust sa bagong COVID-19 alert level system na nag-pilot sa iba’t ibang lalawigan at lungsod.
Binatikos ni Robredo ang nasyunal pamahalaan matapos magdulot ng kalituhan sa mga LGUs ang bagong alert level system.
Ang kalituhan ay humantong sa pabalik-balik na pagpapatupad ng protocol at regulasyon sa kapasidad at pagpapatakbo ng mga negosyo kabilang ang age bracket na maaaring payagan sa mga outdoor at indoor na mga establisyemento.
“Sana ayusin pero pambihira one and half years na tayo sa pandemic hindi pa din natin naiintindihan ito dahil sa kung anu-ano, dahil sa papalit-palit,” ani Robredo sa dzXL.
“Bago sana sila magdemand sa LGU na ganito yung papasundin, sana ready na. Sana ready na iyong panuntunan kung ano iyong kailangang gawin,”dagdag ng bise-presidente.
Naunang ipinatupad ang alert level system sa NCR kapalit sa quarantine classifications system. Nitong nakaraan linggo naman unang ipinatupad ang sistema sa mga probinsya sa labas ng Metro Manila.
Kabilang ang Cavite, Laguna, at Rizal sa mga isinailalim sa Alert Level kung saan maaaring payagan ang 30 percent dine-in capacity at 50 percent na outdoor dining. Pinapayagan na rin ng alert level na makalabas sa mga tahanan ang mga menor de edad sa.
Ngunit nanindigan ang LGUs na atanging ang mga bakunadong menor de edad lang o ang edad 12 hanggang 17 taong-gulang na nakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19 lang ang papayagang makalabas ng bahay.
Ibinahagi naman ni Robredo na nagpadala ng liham ang kanyang opisina kay Presidential spokesman Harry Roque na humihiling sa paglakip ng iba’t ibang liga sa task force upang magkaroon sila ng “representation.”
Hindi tinanggap at suhestyon sa dahilang ang Department of Interior and Local Government (DILG) din ang nagsisilbing official representative body para sa mga liga.
“Ang daming gaps. Hindi sila napapakinggan so hanggang ngayon problema natin ‘to. Kung nakinig sila dati e di sana early on nabigyan ito ng linaw kasi napapakinggan sila,” sabi ni Robredo.
Raymund Antonio