Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Oktubre 24, malaking bahagi ng Luzon at Visayas ang maaaring makaranas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa low pressure area (LPA), intertropical convergence zone (ITCZ), at northeasterly surface wind flow.

Huling namataan ang LPA sa layong 165 kilometers, silangan ng Kalayaan Island sa Palawan nitong alas-3 ng hapon.

Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang nasabing LPA sa pagitan ng Linggo ng gabi at umaga ng Lunes, ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren.

Maaari namang maging isang ganap na tropical depression ang LPA sa sunod na 36 oras.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa susunod na 24 oras, maaaring maranasan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Romblon, Palawan, Central Luzon, Bicol Region, at Visayas.

Samantala, maaari namang makaranas ng maulap na kalangitan na may pag-ulan dala ng northeasterly surface wind flow sa bahagi ng Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

Maaaliwas na panahon naman na may bahagyang maulap hanggang maulap na kondisyon at pulo-pulong pag-ulan, at thunderstorms ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa dala ng ITCZ at localized thunderstorms.

Pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sakaling may severe thunderstorms.

Binabantayan din ng PAGASA ang tropical depression sa labas ng PAR na may layong 1,650 kilometro, silangan ng Visayas nitong hapon ng Linggo. Gayunpaman, mababa ang tyansa nitong pumasok sa PAR sa mga susunod na araw.

Ellalyn De Vera-Ruiz