Hinimok ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko na lumahok sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa darating na Nobyembre 11.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad nitong Linggo, Oktubre 24 na gaganapin virtually  ang earthquake drill sa susunod na buwan. Mayroon ding itong livestream ng dakong alas-8 ng umaga sa social media pages ng Office of Civil Defense (Civil Defense PH) at NDRRMC.

“The NDRRMC once again calls on the public to continue participating in NSED and in other national and community-based preparedness activities and programs to strengthen capacities to respond to the earthquake and other hazards,” Ani Jalad.

Samantala ang disaster preparedness webinar at tabletop and communication exercises ay gaganapin sa Nobyembre 9 at 10.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon