Inamin ng TV host-actress na si Maine Mendoza na walang tigil ang pagdating ng trabaho sa kaniya, sa ginanap na online media conference para sa pagdiriwang ng ikatlong anibersaryo ng sitcom nila ni Bossing Vic Sotto na 'Daddy's Gurl'.

Ipinagpapasalamat umano ni Maine na sa kabila ng krisis ngayon, patuloy pa rin ang pagdagsa ng proyekto para sa kaniya. Hindi naman din lingid sa kaniyang kaalaman na marami ang nawalan ng trabaho, lalo na sa kanilang industriya, sa pagsisimula pa lamang ng pandemya.

“Lalo na sa panahon ngayon, dahil may pandemic ang dami pong nawawalan ng trabaho talagang lahat tayo dapat magpasalamat sa biyayang dumating sa atin and including na po doon sa mga projects po at opportunities na dumarating sa akin,” pahayag ng Phenomenal Star.

Aniya, hindi dapat umangal sa mga dumarating na oportunidad; dapat sunggab lang nang sunggab, kahit na minsan umano ay nakakapagod.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Para sa akin kasi parang sa dami ng walang work ngayon, we just have to make the most of the opportunities that we are given.So kahit minsan, physically tiring and it can get really taxing po talaga, iisipin mo na lang na ang daming taong walang trabaho."

“Ang daming taong naghihirap ngayon and sana mas pahalagahan ko na lang kung ano ‘yung meron ako, imbes na isipin kung gaano ba nakakapagod physically or mentally ‘yung trabaho ko ngayon,” pagbibigay-diin niya.

Bukod sa sitcom at mga endorsements, bahagi pa rin si Maine ng 'Eat Bulaga'. Napapanood din siya sa 'POPinoy' ng TV5 bilang isa sa mga hosts.