Dumagsa ang 6,000 na indibidwal sa Manila Bay Dolomite Beach nitong Linggo ng umaga, Oktubre 24.

Ayon sa Manila Police District Police Station 5, aabot sa 6,000 na indibidwal ang nagpunta sa kontrobersyal na beach.

Sinabi rin nila na payapa ang beach kahit na maraming tao.

Matatandaang binuksan sa publiko ang dolomite beach noong Oktubre 16 matapos ang implementasyon ng Alert Level 3 sa National Capital Region.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

May mga pulis ang ipinadala sa lugar upang masigurado na nasusunod ang minimum health protocols katulad ng pagsusuot ng facemask at face shield at physical distancing.

Ang mga staff ay may hawak na signage para paalalahanan ang mga tao na obserbahan ang minimum health protocols.

Bukas ang beach araw-araw simula 8 a.m. hanggang 11 a.m. at 3 p.m. hanggang 6 p.m.

Andrea Oro