Ilang community projects kagaya ng pantries ang umusbong sa iba’t ibang bahagi ng bansa, at tila naging inspirayon ito ng youth organization na “Lahat ng Bata.”

Naitatag kasi ng grupo ang ikalawang community library sa Baseco Compound, Manila nitong Sabado, Oktubre 24.

Ang LNB ay isang youth organization na naitatag noong 2019. Layon ng grupo na mag-organisa ng mga aktibidad para sa mga kabataan sa Maynila.

Ang library ay naisakatuparan s apagtutulungan ng Vector Lamps at ng Baseco Community Pantry.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ilan nang mga community libraries ang naitatag ng LNB sa lungsod ng Maynila.

Makikita ang “Aklatan sa Barberya” sa Mamu Salon sa kanto ng Singalong sa Malate Maynila at sa Ronnie’s Barbershop sa kanto ng Zapanta sa Maynila.

Matatandaan nitong Abril, ang manunulat na si Lorna Zaragosa ay nagbukas ng sarili niyang community library na tinawag na “The Happy Library” sa lungsod naman ng Quezon.

Seth Cabanban