Pinabulaanan ng kampo ni Vice President Leni Robredo nitong Linggo, Oktubre 24 ang ulat na namigay umano sila ng “caravan kits” sa naganap na nationwide motorcade nitong weekend bilang pagsuporta sa bise-presidente at kay Senator Kiko Pangilinan sa Halalan 2022.
Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez, nakatanggap sila ng mga larawan at umano’y “caravan kit” na ipinamahagi sa naturang motorcade. May laman daw itong P100 bill, isang snack bar, campaign stickers, pink face masks at liham na naghihikayat na iboto si Robredo.
“Happy Sunday! Happy post-Caravan day din. Sa sobrang solid kahapon, umagang-umaga may nakarating sa aming ganitong pics. Fake news na naman. Asahan natin ang ganitong paninira habang lumalakas at dumadami tayo,” sabi ni Gutierrez sa isnag Twitter post niyong Linggo.
“Tuloy lang tayo sa pagmamahal, mga #kakampinks. Love u ol,” dagdag ni Gutierrez kasunof ng tweet nitong may pink ribbon.
“Paninira moves. Di nanggaling sa TROPA yan ha. Di mamimili ng boto ang #Kakampinks. Gusto namin palitan ang bulok na sistema ng pamumulitika tulad ng vote buying. Yan ang pangako ni Leni sa taumbayan,” dagdag niya.
Ang salitang “kakampink” ang salitang nabuo sa “kakampi” at “pink” ay naging unofficial campaign color ni Robredo sa halalan.
Kabilang sa mga tumanggi sa alegasyon na namahagai sila ng P100 ang volunteer group na “Dapat si Leni.”
“Hindi po ganyan ang trabaho natin. Hehe. Pangalawa, wala na pong mararating ang 100. Sa taas ng presyo ng gasolina dahil sa administrasyong ito, abunado pa po tayong lahat,” pahayag ng grupo sa Twitter.
Isang nagngangalang Manuel Mejorada ang nag-post ng umano’y natanggao na “kit” mula sa kampi ni Robredo. Ibinahagi naman iyon ng blogger na Wer2GoPH sa Facebook.
Bumuhos naman ang suporta para kay Robredo sa Twitter at Facebook kung saan hinikayat ng mga tagasuporta ang publiko na i-mass report ang makikitang mga fakes news. Dagdag pa nila, hindi na kailangan bayaran ng halagang P100 ang tatlong oras na ginuguol nila sa daan sa naganap na caravan. Di rin umano sasapat ang nasabing halaga para lang sa gasolina sa three-hour caravan.
Higit 10,000 sasakyan sa nasa 50 lungsod sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nakiisa sa Caravan of Hope para kay Robredo and Pangilinan.
Kabilang ang mga lungsod ng Kawat at General Trias sa Cavite ang nakilahok sa motorcade para kay Robredo at Pangilinan nitong Linggo, Oktubre 24.
Raymund Antonio