Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 5,279 na bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) nitong Linggo, Oktubre 24.
Umabot naman sa 60,957 ang aktibong kaso ng COVID-19.
Base sa latest case bulletin, 77.5 na porsyento ng aktibong kaso ay mild, 6.1 na porsyento ang asymptomatic, 2.1 na porsyento ang kritikal, 5.1 na porsyento ang severe, at 9.20 na porsyento ang moderate.
Kinumpirma naman ng DOH ang 7,312 na pasyenteng gumaling mula sa virus sanhi upang umabot sa 2,654,173 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.
Samantala, 41,793 na kabuuang bilang ng mga namatay matapos makapagtala ng 208 na bagong namatay sa sakit.
“Twenty-three duplicates were removed from the total case count. Of these, 16 are recoveries,” ayon sa DOH“Moreover, 154 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” dagdag pa nito.
Analou de Vera