Hinikayat ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na magbigay ng suhestyon kung paanong “lalo pang maisasaayos” ang proseso ng botohan sa Halalan 2022.

“The voting simulation exercise for the #NLE2022 has just concluded! We want to know how we can further improve the voting experience for you,”sabi ng poll body sa kanolang official Facebook page.

“Tell us your comments and suggestions,” dagdag nito.

Ang mga suhestyon ay maaaring ipadala sa link na ibinigay ng Comelec.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nitong Sabado, Oktubre 23, naglunsad ang Comelec ng voting simulation sa San Juan Elementary School sa San Juan bilang paghahanda sa eleksyon.

Inirekomenda rin ng Department of Health nag awing mabilis at maayos ang pagboto lalo pa’t nananatiling banta ang coronavirus disease (COVID) pandemic.

Analou de Vera