Dumating na ba sa iyong isipan na naisip mong magtayo ng sariling kompanya; ikaw ang boss, ikaw ang nasusunod, at ikaw ang 'timon' ng barko?

Iyan ang ginawa ni Lemuel 'Lem' Egot, 26, mula sa Mandaluyong City. Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Real Estate Management; Saint Paul School of Professional Studies, at Master of Arts in Urban and Regional Planning; University of the Philippines-Diliman.

May be an image of 2 people and text
Lemuel Egot (Larawan mula sa FB/Value Masters, Inc.)

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

Ngunit bago nagdesisyong magtayo ng sariling kompanya, siya ay naging real estate agent muna sa Alveo Land Corporation ng 3 buwan, financial planning analyst sa National Housing Authority sa loob ng 3 taon, at business development associate naman sa Ayala Land Premier, Inc. ngunit 1 taon lamang.

Bagama't marami ang nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya, iba ang naging sitwasyon ni Lem. Sumugal siya sa pagtatayo ng kaniyang sariling kompanya upang makamit ang pangarap na maging Chief Executive Officer o CEO nito. Katwiran niya, kung hindi sisimulan nang maaga, kailan pa?

"I want to have time and freedom and to unleash my potentials. Napansin ko sa previous careers ko as employee yung madalas ma-burnout, and kahit gaano kabigat yung ibuhos na effort same pa rin yung kinikita," ani CEO Lem sa panayam ng Balita Online.

"Major reason ko rin yung matapos yung thesis ko sa masters kaya I decided to quit being an employee."

Sino-sino nga ba ang mga nakatulong sa kaniya upang masimulan ito?

"Ang mga co-founders ko na sina JB, Ian at Cris. Dahil sa kanila mas naging matatag ako na lider. Di naging madali ang simula namin pero dahil sa sama-samang pagtugon sa mga dumarating na pagsubok, nalalagpasan namin ito nang matiwasay at may katuturan."

Ang mga nabanggit na co-founders ay ang Chief Operating Officer (COO) na si Architect John Bernard Delelis Alejo (na napagkakamalang si Kapamilya actor Joshua Garcia), Chief Business Development Officer (CBDO) na si Ian Aguila, Chief Financial Officer (CFO) na si Crisfolo Santiago Montareal, CPA at kasama pa ang Chief Marketing Officer (CMO) na si JD Castro.

Sila ang mga 'executives' na nasa likod ng pagkakatatag ng 'Value Masters, Inc.' na isang real-estate company.

May be an image of 5 people and text that says 'The Chief Operating Officer REDEFINE AND BUILD VALUE The Chief Business Development Officer COo JOHN BERNARD The Chief Financial Officer CBDO AN The Chief Marketing Officer CFO CRIS The Chief Executive Officer cmo JD CEOLEM CEO LEM
(Larawan mula sa FB/Value Masters, Inc.)

Nagsimula umano ang kanilang negosyo na ang starting capital nila ay ₱50,000. Bagama't hindi sila nag-loan sa bangko, may mga indibidwal at kakilala naman sila na nagtiwalang magpautang, kaakibat ang patas na interes.

"We started ng almost ₱50K yata, pero hindi isang bagsakan. Hindi kami nag-loan sa bank and may mga iilan na nagtiwala sa amin na nagpahiram at ibabalik namin na may fair na interes. Mostly tao at skills ang capital namin sa company. Wala masyadong financial resources pero natuto kaming gumalaw at maging street smart sa humble beginnings na ito," aniya.

Sa ngayon, maganda naman ang takbo ng kanilang negosyo. Sa katunayan, kamakailan lamang ay naging kliyente nila si Kapuso actor Mark Herras. Unti-unti na rin silang umaangat at nakikilala dahil sa kanilang pagsisipag at pagtitiyagang makasabay sa kompetisyon sa larangang ito, kahit bago pa lamang ang kompanya. Hindi umano sila 'papatalo'.

May be an image of 2 people and people standing
Lemuel Egot at Mark Herras (Larawan mula sa FB/Value Masters, Inc.)

May be an image of 2 people, people standing and indoor
John Bernard Alejo at Mark Herras (Larawan mula sa FB/Value Masters, Inc.)

"Sa ngayon, okay naman at patuloy na napapakinggan ng Diyos ang aming mga dasal at hardworks. May mga hindi inaasahang projects na pumapasok sa company at may deal na rin kami na sale sa first month of operations namin. Potential revenue in terms of commission ng first sale ay 6 digits."

Paano naman niya napapamahalaan ang oras kahit na abala siya sa pagtataguyod ng sariling kompanya?

"Ano lang, I do have my break time, nagti-TikTok, nagra-running, I play with my dog, ganyan lang. Wala akong specific na routine kasi iba-iba rin naman ang demand ng time and energy, may times na kailangang mag-overnight,

May mensahe naman siya sa mga kagaya niyang 'young professional' na nangangarap na 'umahon' sa pagiging empleyado upang maging CEO o boss ng sariling kompanya.

"Mensahe ko para sa mga kabataan na gustong magtayo ng company o maging CEO ay pakinggan ang puso at ibulong ang dasal sa itaas. Ang pinakamahinang bulong ng puso ay napapakinggan ng Diyos at ito ay susi upang makamit mo ang iyong mga goals," pahayag niya.

"Huwag kalimutan ang mga taong totoo sa 'yo lalo na't nagsisimula ka pa lang. Mas marami ang hindi ka pakikinggan at mambabatikos. Iilan lang ang maniniwala at susuporta sa iyong pagsisimula. Ngunit gawin mo itong mga inspirasyon at huwag ikasama ng damdamin. Gawin mong inspirasyon ang mga struggles at setbacks upang magkaroon ng significance sa community at makamit ang ikauunlad na hindi gawa ng pang-makasariling hangarin."

"Ikaw ang dapat pinakauna at pinakananiniwala sa sarili mo. Simulan mo sa sarili mo at susunod ang iba. Basta't malinis, maayos, at tama ang iyong negosyo. Dasal at sipag, kakayanin mo. Thanks for this opportunity to inspire!"