CAMP DANGWA, Benguet – Muling umiskor ang mga tauhan ng Police Regional Office-Cordillera sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga nang sunugin ang ₱23.4 milyong halaga ng tanim na marijuana sa limang araw na operasyon sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga, kamakailan.

Sa unang operasyon, binunot ng pulisya ang 25,000 na fully-grown marijuana plants na nagkakahalaga ng₱5 milyon at₱1 milyong halaga ng marijuana naman ang binunot sa ikalawang operasyon hindi kalayuang sa nabanggit na lugar.

Aabot naman sa₱12 milyong halaga ng tanim na marijuana ang binunot sa ikatlongoperasyon. Sa kalapit na lugar, nadiskubre rin ng mga awtoridad ang saku-sakong pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng₱5.4 milyon.

Sa kabuuan, aabot sa₱23.4 milyong halaga ng marijuana ang sabay-sabay na sinunog ng mga pulis.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Ayon sa pulisya, wala silang naaresto sa limang araw nilang anti-illegal drugs operations.

Zaldy Comanda