Isa sa mga nami-miss ng mga estudyante sa panahon ngayon ay ang pagsusuot ng school uniform, at pagkakaroon ng discount sa pamasahe kapag nagko-commute, o tinatawag na 'student fare'. Kaya lang, dahil nga sa pandemya at hindi pa pinapayagan ang face-to-face classes, bibihira ngayong makakita ng mga nakasuot ng school uniform dahil online class o modular approach ang paraan ng pagtuturo, na isinasagawa sa mga bahay-bahay.

Para maiba naman, napagtripan ni 'Mico L. Brun' mula sa Quezon City na magsuot ng school uniform nang siya ay umalis ng kaniyang bahay. Ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post ang kaniyang litrato at ang naging pag-uusap nila ng tsuper ng dyip nang magbayad na siya ng pamasahe papunta sa isang mall sa QC. Sa panahon ngayon, hindi na normal na makakita ng taong nakasuot ng school uniform na nagko-commute.

Larawan mula sa FB/Mico L. Brun

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Me: bayad po Ever (Ever Gotesco sa Commonwealth) estudyante lang…

"Driver: May pasok na pala kayo?"

"Me: Wala po, trip ko lang pumasok mag-isa."

Sa comment section, ipinakita rin niya ang mga litrato niya habang nasa isang restaurant sa loob ng naturang mall. As of this writing ay umabot na sa 9.2K reactions at 5.1K shares ang kaniyang FB post.

May be an image of 1 person, sitting and indoor
Larawan mula sa FB/Mico L. Brun

Ayon sa panayam ng Balita Online, si Mico ay 21 taong gulang at talagang estudyante na kumukuha ng kursong Computer Science, at graduating na.

"Galing po kasi ako sa bahay ng classmate ko, thesis defense (title proposal) so pagkatapos ng defense po namin is nagkayayaang kumain sa labas, tapos ako sa sobrang nagmadali, hindi na po ako nakapagbihis kaya hayun po, sumakay po ako ng jeep nang naka-school uniform," kuwento niya.

Miss na ba niya ang face-to-face classes?

"Yes po, as a student mas okay talaga face-to-face unlike online class kasi nalilimitahan yung lessons and also yung bonding din with tropa and classmates."

May mensahe naman siya mga kapwa niya estudyante na nahihirapan ngayon sa online classes.

"Konting tiis na lang makakapagtapos din tayo, stay safe/keep safe and God bless everyone!"

Isang estudyante rin ang nag-viral matapos niyang magsuot ng school uniform sa kaniyang paggala.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/19/netizen-na-gumala-habang-nakasuot-ng-school-uniform-dahil-sa-sobrang-bagot-nagdulot-ng-katatawanan/

Nakaka-miss na rin kasi umano ang pagsusuot ng school uniform, lalo na't hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapayagan ang face-to-face classes dahil sa pandemya.

Ngunit sa Nobyembre ay balitang magkakaroon ng limited testing para sa unti-unting pagbabalik ng physical classes, sa mga lugar na mababa lamang ang kaso ng COVID-19.