Itinigil na ng Ambuklao Dam ang spilling operations nito, ayon sa pahayag ngPhilippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nitong Sabado.
Sa latest monitoring ng PAGASA, bumaba na sa 750.99 metro o mas mababa pa sa 752.0 metrong normal high water level nito.
Nitong Biyernes, patuloy pa rin ang pagpapaapaw nito ng tubig nang maitala pa ang 751.0 metrong water level ng dam.
Matatandaangsinimulang paapawin ng tubig ng water reservoir nitong Oktubre 11 bago pa humagupit ang bagyong 'Maring' sa Luzon.
Idinagdag pa ng PAGASA na inihinto na rin ng Binga Dam sa Benguet at Magat Dam sa Isabela ang spilling operations ng mga ito nitong Oktubre22 (Biyernes) at Oktubre 21, Huwebes.
Ellalyn De Vera-Ruiz