Matapos ang pilot implementation ng pagbabakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa mga batang edad 12 hanggang 17 taong-gulang sa Metro Manila, kasado na ang nationwide vaccination sa darating na Oktubre 29.

 

Ito ang inanunsyo ni Sec. Carlito Galvez Jr., accine czar and chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, sa pagdating ng dagdag 1,016,730 doses ng government-procured Pfizer vaccines sa NAIA Terminal 3 nitong Biyernes ng gabi, Oktubre 22.

 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“We will be having a rollout of children’s vaccination to all LGUs [local government units] and we are very thankful that as of this moment, our vaccination for children has been rolled out in 17 different cities [and municipality] in NCR,” sabi ng Galvez.

 

“[On] October 29, we will open up the rollout to LGUs including provinces and cities,” dagdag nito.

 

Ang mga bagong naihatid na bakuna ay pantay-pantay na ilalaan sa Luzon, Visayas, at Mindanao upang suportahan ang nakaplanong pagbabakuna sa mga menor de edad sa buong bansa: 813,150 doses ang dinala sa storage facility sa Maynila habang 101,790 doses bawat isa ay dinala sa Cebu at Davao warehouses.

Sa ngayon, tanging ang Pfizer at Moderna pa lang awtorisado para sa emergency use ng Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas sa pagbabakuna ng mga menor de edad na 12 taong-gulang.

Ang pinaplanong nationwide rollout ng pediatric vaccination sa labas ng Metro Manila ay ipatutupad nang mas maaga sa orihinal nitong schedule dahil dapat na magsisimula lang ito isang

buwan matapos ang pilot implementation sa capital region.

  

Nagsimula ang pilot vaccination sa NCR nitong Oktubre 15 at mahigit 4,000 menor de edad ang nabakunahan laban sa COVID-19 mula noon.

 

Sa bilang, apat na kaso lamang ang nakaranas ng masamang reaksyon, ani Galvez.

  

Mula sa walong ospital, ang pagbabakuna sa mga menor de edad ay pinalawak sa 23 karagdagang mga pasilidad sa NCR ngayong linggo upang ma-accommodate ang mas maraming mga bata at kabataan na handang makakuha ng bakuna.

 

Sinabi ni Galvez na binilisan ang schedule dahil nakahanda na ang “majority” ng mga LGU sa labas ng NCR para sa pediatric inoculation.

  

Sinabi niya na ang mga sentro ng pagbabakuna sa mga lalawigan ay maaaring itatag sa mga open field malapit sa mga ospital bilang paghahanda sa masamang reaksyon sa mga bata.

 

“Ang ginawa natin noong una to make sure that the children are safe, ginawa natin doon sa ospital. But most of LGUs have a field to use [as] their vaccination site considering they already know how to react on adverse effects,” sabi ng opisyal.

 

 “Lahat ng regions bibigyan natin especially those [which] have already more than 50 percent of their [target population] vaccination,” dagdag niya.

 

Martin Sadongdong