Dalawang low pressure areas (LPAs) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong umaga ng Sabado, Oktubre 23.
Ang isa sa dalawang LPAs na makikitang nakadantay sa intertropical convergence zone (ITCZ) ay namataan sa layong 75 kilometers (km) southwest ng Tacloban City sa probinsya ng Leyte nitong alas-3 ng madaling araw.
Nitong Huwebes pa binabantayan ng PAGASA ang naturang sama ng panahon.
Samantala, isang LPA din ang namuo nitong gabi ng Biyernes, Oktubre 22 at huli itong namataan 100 km west-southwest ng Dipolog City, probinsya ng Zamboanga del Norte.
Inaasahang magdadala ang dalawang LPAs at ang ITCZ ng mga kalat-kalat na pag-ulan, at maging ang pagkulog-pagkidlat sa mga bahagi ng Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at Palawan.
Samantala, ang agos ng hanging mula sa ibabaw ng hilagang-silangan ay maaring magdulot ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kondisyon na may pulu-pulong mahinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.
Sinabi ng PAGASA na ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng pangkalahatang maalinsangang lagay ng panahon dahil sa bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog mula sa ITCZ at mga localized thunderstorms.Gayunpaman, pinaalalahanan nito ang publiko na manatiling alerto laban sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding bagyo.
Ellalyn De Vera-Ruiz