Nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Region III (PDEA-3) nitong Sabado, Oktubre 23, ang nasa P3.4 milyong halaga ng shabu matapos maaresto ang hinihinalang drug pusher sa isang buy-bust operation sa Caloocan City.

Timbog ng mga awtoridad ang umano’y pusher na si Arthur De La Cruz, 38, residente ng Barangay Pantaleon Granados, General Mariano Alvarez (GMA) Cavite sa harap ng isang fast food chain sa kahabaan ng Loreto St. sa Barangay 84.

Nakumpiska kay De La Cruz ang nasa 500 grams ng hinihinalang shabu at marked money na ginamit ng undercover agent.

Nasa kustodiya ng laboratoryo ng PDEA-3 ang nasamsam na shabu para sa pagsusuri.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (pagbebenta ng ilegal na droga), Article II ng Republic Act (RA) 9165 o tinatawag ding “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.’’

Chito Chavez