Sa unang pagkakataon mula noong monitoring period ng Hulyo 22-28, bumaba pa sa 1,000 ang seven-day average ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa Metro Manila ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David nitong Sabado, Oktubre 23.

Sabi ni David, mula sa 1,762 nitong mga nakaraang linggo nasa 996 na ang average case ng Metro Manila sa nakalipas na pitong araw.

“This (996 cases) is 43 percent lower than last week’s seven-day average of 1,762,” sabi ni David s aisang Twitter post.

Bukod dito, ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila ay lalong sumadsad sa 0.45, habang ang positivity rate ay bumaba mula sa 10 percent noong nakaraang linggo.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ang kasalukuyang average daily attack rate (ADAR) o infection rate sa rehiyon ay nasa 7.03 sa bawat 100,000 bawat araw.

Sa COVID-19 report nito noong Biyernes, Oktubre 22, binanggit ng OCTA Research Team, binanggit na ang lahat ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay may “mababang” risk reproduction at health care utilization rate.

“Negative” Covid-19 growth rates naman ang naitala sa lahat ng lugar sa rehiyon, ibig sabihin patuloy ang pag-improve ng sitwasyon sa Metro Manila.

Ellalyn De Vera-Ruiz