Inirekomenda ni retiradong Chief Justice Lucas P. Bersamin sa Judicial and Bar Council (JBC) ang nominasyon ni Commission on Audit (COA) Chairperson Michael G. Aguinaldo bilang isa sa mga associate justices ng Supreme Court.

Ang rekomendasyon ni Bersamin ay para sa mababakanteng posisyon sa Enero 9, 2022 kasunod ng complusary retirement ni Associate Justice Rosmari D. Carandang.

Nagbukas na ang JBC sa aplikasyon at rekomendasyon para sa maiiwang posisyon ni Carandang.

Nitong Oktubre 14, nagpadala ng sulat kay Chief Justice Alexander G. Gesmundo, JBC chairperson, si Bersamin upang irekomenda si Aguinaldo.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Tinanggap naman ni Aguinaldo ang rekomendasyon ni Bersamin sa sulat nito kay Gesmundo nitong Oktubre 22.

Ang 15-member Supreme Court ay kasalukuyang may bakanteng isang associate justice post kasunod ng maagang pagreretiro noong Hunyo 30 ni Associate Justice Edgardo L. Delos Santos.

Anim ang nominadong kandidato na binanggit ng JBC para sa posisyon ni Delos Santos. Hindi pa inaanunsyo ni Pangulong Duterte ang appointee nito matapos isumite ang listahan sa opisina nito noong Agosto 27.

Kabilang sa mga nominado sinaCourt of Appeals Associate Justices Ramon R. Cruz at Maria Filomena D. Singh; Sandiganbayan Presiding Justice Amparo M. Cabotaje Tang at Associate Justice Geraldine Faith A. Econg; at Court Administrator Jose Midas P. Marquez at Deputy Court Administrator Raul B. Villanueva.

“Chairperson Aguinaldo’s long and varied experience in the public and private sectors proves his competence, integrity, probity, and independence that eminently render him fit and deserving of appointment as Associate Justice of the Supreme Court,” sabi ni Bersamin sa sulat nito.

Bago ang pagkakatalaga sa COA noong 2015, naging deputy executive secretary general for legal affairs muna si Aguinaldo sa opisina ng Pangulo.

Produkto ng Ateneo de Manila University, ika-7 si Aguinaldo sa mga bar topnotchers noong 1992 bar examinations.

Noong 1997, nakuha nito ang Masters Degree in Law sa University of Michigan sa Amerika. Naging professor sa abogasya si Aguinaldo sa iba’t ibang eskwelahan sa National Capital region.

Rey Panaligan