Layon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)ang pagtatapos ng rehabilitation sa isla ng Boracay sa Hulyo 2022.

Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu, nag-improve na ang water quality sa isla simula nang isailalim ito sa rehabilitasyon noong 2018.

Noong 2018, nasa 900 most probable number per 100 milliliters (MPN/100 ml) ang fecal coliform level sa Boracay. Sa pinakahuling pagsusuri, nasa 45 MPN/100 ml na lang ang average fecal coliform leval sa lugar.

Samantala, sa Hunyo 2022 maaaring matapos ang rehabilitasyon, ani Boracay Inter-Agency Rehabilitation and Management Group (BIARMG) General Manager Natividad Bernardino.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nasa 282 o 83 percent sa mga 339 estruktura na nakahambala sa 25-5-meter beach easement ang tuluyan nang inalis, dagdag ni Bernardino.

“We have to do it. Hindi pwedeng hindi. Gawin natin,” sabi ni Cimatu sa naganap na BIATF’s meeting nitong Biyernes na tumutukoy sa pagtanggal sa mga ilegal na tinayong estraktura sa isla.

Matapos ang pagpupulong, naglunsad din si Cimatu ng beach forest tree-planting ng nasa 50 agojo seedling o native pine tress sa kahabaan ng White Beach sa Station 3.

“We are doing this as a nature-based solution to address the issue that the 25+5 easement has shrunk a bit because of soil erosion,” paliwanag ni Cimatu.

Target na masakop ng tree-planting activity ang buong white beach.

Sa ikalawang quarter ng 2022, nakatakdang i-demolish ang nasa 142 establisyemento para maabot ang 94 percent completion.

Josepth Pedrajas