Kahit pinaluwag na ang travel restrictions, pinatutupad pa rin ng pulisya ang curfew, lalo na sa mga turistang magtutungo sa nasabing isla sa Malay, Aklan.

"We are under the new normal and tourists have to abide by the curfew,” pagdidiin ni Lt. Col. Don Dicksie De Dios, hepe ng Malay Municipal Police.

Binanggit ni de Dios ang pagkakahuli ng 43 na turista matapos labagin ang curfew na ipinaiiral mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw nitong Biyernes.

Karamihan aniya ng mga hinuli ay nasa impluwensya ng alak at nanggaling sila sa mga bar.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

“We all know that our visitors want to party, but we must also balance health and security so there won’t be another Boracay lockdown,” sabi pa nito.

Inaasahan na aniya ng pulisya ang pagdagsa ng mga turista sa lugar matapos tanggalin ng pamahalaan ang requirement na swab test.

Paglilinaw ng Malay government, tanging bakunado lamang ang papasukin sa isla upang maiwasan ang posibleng hawaan ng sakit.

Tara Yap