Nagdaos ang Commission on Elections (Comelec) ng voting simulation sa San Juan City nitong Sabado.

Ito’y bilang paghahanda sa kauna-unahang national elections na idaraos sa bansa, kahit na may pandemya.

Nilinaw ng Comelec, ang simulation ay idinaos sa mga Barangay ng Balongbato at Ermitaño sa San Juan, na mayroong kabuuang 4,235 registered voters.

Layunin nitong tukuyin ang average time frame sa verification process ng voter identity sa Election Day Computerized Voting List base, na may 800 registered voters per clustered precinct.

Eleksyon

Pastor Apollo Quiboloy, nananawagan ng manual recount

Bukod dito, aalamin rin ng Comelec ang iba pang areas of concern sa verification process, habang ikinukonsidera ang pangangailangang maipatupad ang minimum public health standards at safety protocols dahil sa nananatiling banta ng COVID-19 pandemic.

Sa naturang simulation process, sinusunod ang ilang mga hakbang kabilang na ang pagsusuot ng face marsk at face shield ng mga botante, pagpasok sa school premises.

Kinukuha rin ang mga body temperature ng mga kalahok upang matiyak na wala silang lagnat, na isa sa mga sintomas ng COVID-19.

May isa namang isolation polling place (IPP) na itinalaga para sa mga taong makikitaan ng sintomas ng sakit.

Paglilinaw ni Comelec Spokesperson James Jimenez, ang mga botanteng may sintomas ay dadalhin sa IPP kung saan niya maaaring ituloy ang pagboto kung kanyang nanaisin.

Mary Ann Santiago