Patuloy na nakapagtala ng pagyanig at mataas na sulfur emissions ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Bulkang Taal sa Batangas nitong nakalipas na 24 oras.

Sa bulletin ng Phivolcs nitong Sabado, Oktubre 23, nakapagtala ang ahensya ng nasa 55 lindol kabilang ang siyam na volcanic tremor na tumatagal sa pagitan ng isa hanggang dalawang minute, 46 low-frequency volcanic earthquakes at low-level background tremor sa Bulkang Taal sa loob ng 24 oras.

Bukod dito, ang aktibidad sa bunganga ng bulkan ay kakikitaan pa rin ng pagtaas ng mainit na mga likido ng bulkan sa lawa nito na kalauna’y nagdudulot ng plume na 1,200 metro ang taas.

Sa pagtatala ng Phivolcs, umabot na sa 9,451 tons ang sulfur dioxide (SO2) emission ng ng Taal nitong Oktibre 22.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“Based on ground deformation parameters from electronic tilt, continuous GPS and InSAR monitoring, Taal Volcano Island has begun inflating in August 2021 while the Taal region continues to undergo very slow extension since 2020,”sabi ng Phivolcs.

Muling pinaalalahanan ang publiko na nananatiling nasa Alert Levl 2 ang Bulkang Taal. Ibig sabihin, ang kasalukuyang SO2 parameters ay senyales ng mataas na lebel ng magmatic degassing mula sa bunganga ng bulkan na maaaring magresulta ng pagsabog.

“At Alert Level 2, sudden steam- or gas-driven explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, and lethal accumulations or expulsions of volcanic gas can occur and threaten areas within and around TVI,” pagpupunto ng Phivolcs.

Mula Hulyo 23, napasailalim sa Alert Level 2 ang naturang bulkan.

Muling nagpaalala ang Phivolcs na mahigpit na ipiangbabawal ang pagpasok sa permanent danger zone na isla ng Bulkang Taal, lalo na sa paligod ng main crater at Daang Kastila fissure.

Ipinagbabawal din ang pamamangka sa Taal Lake, dagdag nito.

Pinayuhan ng Phivolcs ang mga kinauukulang local na pamahalaan na patuloy na magmanman at maghanda sakaling magkaroon ng panibagong pag-alburoto ang Taal.

Ellalyn De Vera-Ruiz