Nangako ang Antique province na susuportahan nila si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa presidential bid nito, naniniwala sila na mayroon itong kakayahan na mapaglingkuran ang bansa.

Ang ama ni Domagoso na si Joaquin Domagoso ay mula sa bayan Hamtic Jose sa Antique. 

Ayon kay Antique Board Member Vincent Hernandez Piccio III na susuportahan ng probinsya at ng buong Western Visayas si Domagoso at ang running mate nito na si Dr Willie Ong sa 2022 national elections.

Inihayag niya ang kanyang suporta kay Domagoso noong Oktubre 18 sa paglulunsad ng Ikaw Muna (IM) Pilipinas Antique Chapter sa Casa Agusta sa San Jose de Buenavista.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Binigyang diin ni Piccio na sapat na ang kahusayan ni Domagoso sa public service, lalo na sa gitna ng COVID-19 pandemic para makumbinsi ang publiko na siya ay karapat-dapat na maging pangulo ng bansa.

“We have seen the efficiency of Yorme Isko Moreno in public service, in just two years marami na siyang nagawa para sa kanyang mga pinaglilingkuran sa siyudad ng Maynila lalo pa nang tumama ang pandemya dulot ng CCOVID-19. Hindi nagpabaya si Yorme Isko, agad niyang natugunan ang mga pangangailangan ng kanyang mga nasasakupan, bilis kilos talaga!," aniya.

“And now as we launch Ikaw Muna Pilipinas Antique chapter, this is in recognition of the roots of Isko Moreno having come from the Visayas especially in the province of Antique,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Piccio na si Domagoso ay isang "paalala" ng isang mahirap na nagsumikap at nag-aral ng mabuti na naging dahilan ng pagiging lider niyangayon.

Andrea Aro