CAMP MARCELO A. ADDURU, Tuguegarao City - Nadakip ng pulisya ang dalawang pinaghihinalaang illegal loggers matapos masamsaman ng mga nilagareng kahoy sa Sta. Ana, Cagayan, kamakailan.
Kinilala ang mga suspek na sina Johnlock Gerardo, 25, at Joel Valentino, 36, kapwa taga-nabanggit na lugar.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nasabat sa dalawa ang 862.61 board feet na Narra at softwood na tinatayang nagkakahalaga ng₱42,250.95.
Bago madakip ang dalawa ay namataan sila ng mga pulis na nagkakamadang kahoy at nang sitahin ay walang maipakitang dokumento.
Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 (Forestry Reform Code of the Philippines).
Liezle BasaIñigo