Hindi napigilan ni Senator Cynthia Villar nitong Biyernes at uminit ang ulo nito matapos kilatisin ang panukalang pondo ng National Tobacco Administration’s (NTA) para sa 2022 na nagkakahalaga ng P505 million.

Nasa ilalim ng Department of Agriculture (DA) ang NTA. Sa panukalang pondo nito, inilakip ng ahensya ang P100-million allocation para sa sa probisyon ng “production technical marketing assistance” na para sa senador ay maaaring maging dahilan ng korapsyon.

Sa naganap na Senate finance subcommittee hearing matapos niya makita ang panukalang pondo, hindi nito napigilang makapagmura.

“Ang sabi dito…provision of production technical marketing assistance…P*tangina, puro nakaw ito,’ ani Villar.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“No, ma’am,” maririnig na tugon ng isang opisyal ng NTA.

“Tigilan niyo na ko sa mga technical assistance na ‘yan, alam naman natin na drama lang ‘yan ng taon. Naku naman. Diyos ko. Terrible,” litanya ng galit na senadora sa hearing.

Para kay Villar, dapat sana’y ginamit na lang bilang emergency assistance para sa mga tobacco farmers ang P100 million lalo pa’t apekatado ang mga ito sa epekto ng pandemya.

“Mag-emergency cash assistance na lang kayo para malinaw…Itong technical marketing assistance? Naku, lumilipad ito sa hangin. Ayusin niyo iyan,” sabi ni Villar.

Bilang tugon, nangako si DA Undersecretary Ariel Cayanan na papayuhan ang NTA administrator para ma-“recast” ang budget ng ahensya.

Hannah Torregoza