Sinimulan na ng Manila City government ang pagbabakuna sa mga menor de edad, nitong Biyernes.
Sinabi ng Manila Health Department, ang mga tinurukan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay mula edad 12 hanggang 17.
Paliwanag ng mga opisyal ng City Health Office, aabot sa 23,354 doses ng bakuna ang inilaan ng pamahalaang lungsod para sa maiturok sa mga menor de edad.
"Talagang dapat simulan na natin yung 12-17 years old kasi karamihan sa bahay nabakunahan na except sila...Napaka importante talaga na sila ay protected," paglalahad ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan nang simulan ang pagtuturok para sa nasabing age group sa Ospital ng Maynila Medical Center nitong Oktubre 22.
Andrea Kate Aro