Sinimulan na ng Manila City government ang pagbabakuna sa mga batang may edad na 12 hanggang 17 laban sa coronavirus disease (COVID-19) nitong Biyernes, Oktubre 22.
Nasa 23,354 ang nakareserbang bakuna sa mga menor de edad, 22,854 ang Pfizer vaccines, at 500 naman ang Moderna vaccines, ayon sa Manila Health Department.
“Talagang dapat simulan na natin yung 12-17 years old kasi karamihan sa bahay nabakunahan na except sila…Napaka importante talaga na sila ay protected," ayon kay Manila City Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan sa pagsisimula ng pagbabakuna sa mga menor sa Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC).
Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na ang pagbabakuna sa mga bata ay magbibigay daan para sa pagpapatuloy ng face-to-face classes at mapoprotektahan nito ang mga bata laban sa nakamamatay na virus.
“More than the protection, ito ay para makabalik na rin sila sa eskwelahan kasi marami ng emotionally and psychologically challenged na bata dahil sa pagkakakulong sa bahay," ani Moreno.
Andrea Aro