Viral ngayon sa Facebook ang pagsagot ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa isang komento ng netizen sa kanyang post.

Sa Facebook page ni Sereno, ibinahagi niya ang screenshot ng komento at Facebook profile ng isang netizen na nagngangalang Tirso Butch Valino nitong Huwebes, Oktubre 21.

"Eh puro kasi Marcos ang sinasabi n'yong magnanakaw eh, pare-parehas din naman mga 'yan kahit si Leni may bahid iyan. Ito tandaan n'yo 'pag nakatuntong ka sa position sa gobyerno, 'wag n'yong sasabihin na malinis kayo. Mapapahiranka rin ng uling. 'Wag kang manungkulan sa gobyerno, iyon masasabi talaga na hindi ka nagnakaw sa kaban ng bayan. Naku, magtigil na nga pare-pareho lang 'yan," ang bahagi ng komento ni Valino.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Larawan mula sa Facebook ni Meilou Sereno

Sinagot naman ito ng dating chief justice: "So ang sinasabi mo ba ay kayong lahat ng nasa LGU ng Cabanatuan City, kung saan ang profile picture mo ay ikaw ang Assistant Dept. Head ng Sangguniang Panglungsod, ay magnanakaw?"

Makikita sa Facebook account ni Valino na siya ay nagtatrabaho sa LGU Cabanatuan.

Larawan mula sa Facebook ni Meilou Sereno

Sa naturang post, nanawagan si Sereno sa Civil Service Commission at Cabanatuan City government at binanggit niya ang naturang komento ni Valino na nagpapahiwatig na ang mga opisyales ng gobyerno ay "magnanakaw" umano.

"May I humbly forward to you screenshots of the comment of a certain TIRSO BUTCH VALINO and of his Facebook profile. He calls himself an Assistant Department Head at the Cabanatuan City LGU-Sangguniang Panglunsod," ani Sereno.

"If you will notice, dearest public officials, he is saying that all government officials are crooks, and that the moment one enters government service, one will be a crook. Maraming salamat po for your appropriate action," dagdag pa niya.

Kalaunan ay may kumakalat na screenshot ng paghingi ng paumanhin ni Valino sa kanyang Facebook.

Ayon sa post: "Pasensya na po kayo wala po akong masamang intensyon na makasakit ng damdamin. Sana po maunawaan ninyo ang aking panawagan at paghingi ng paunmanhin. Marami pong salamat."

Hindi na makita ang naturang post maging ang kanyang Facebook account marahil ay nagdeactivate ito.

Nagsilbing Chief Justice si Maria Lourdes Sereno noong Agosto 2012 hanggang Mayo 2018.